Bagyong Rosita

Super Bagyong Rosita (Yutu)
Matinding bagyo (JMA)
Kategorya 5 (Saffir–Simpson)
Yung Bagyong Rosita sa pinakamalakas nito sa Tinian noong Oktubre 24, Ang Isla ng Tinian ay nakikita sa mata.
NabuoOktubre 21, 2018
NalusawNobyembre 3, 2018
(Remnant low simula Nobyrembre 2)
Pinakamalakas na hanginSa loob ng 10 minuto: 215 km/h (130 mph)
Sa loob ng 1 minuto: 285 km/h (180 mph)
Pinakamababang presyur900 hPa (mbar); 26.58 inHg
Namatay29 direkta, 1 hindi direkta
Napinsala$854 milyon (2018 USD)
ApektadoMariana Islands (lalo na sa Tinian at Saipan) at Luzon
Bahagi ng
Panahon ng bagyo sa Pasipiko ng 2018

Ang Super Bagyong Rosita, (Pagtatalagang pandaigdig: Bagyong Yutu) ay isang malakas na bagyo na kasalukuyang bumabanta sa pulo ng Luzon. Ito ang pinakamalakas na bagyong tumama sa Hilagang Kapuluang Mariana, at ikalawa sa buong Estados Unidos, sa nakatalang kasaysayan nito.

Namataan ang bagyo noong 21 Oktubre 2018 sa Karagatang Pasipiko — ang ika-25 bagyo, ika-12 bagyong may pangalan, at ika-7 superbagyo ng taong 2018 — noong bumuo ito mula sa isang lugar ng mababang presyon, at kamakailan ay naging isang depresyong tropikal. Nang bumuo ang depresyon, binigyan ang bagyo ng Joint Typhoon Warning Center (JTWC) ng identipikador na 31W. Tuluyan itong lumakas sa loob ng ilang oras hanggang sa naging itong ganap na bagyo, at binansagan itong "Yutu" ng Japan Meteorological Agency (JMA). Makatapos ito, mabilis ang naging paglakas nito dahil sa mga kondisyong pabor dito, hanggang sa naging superbagyo ito noong 24 Oktubre.

Noong 25 Oktubre, tumama ang Bagyong Yutu sa Tinian at sa katimugang bahagi ng Saipan sa Hilagang Kapuluang Mariana. Sa pantheon na tumama ito, ito ang naging pinakamalakas na bagyo ng 2018, kung saan may lakas na hangin na aabot sa 180 km/o (pamantayang 10-minuto), at pabugsong hanging hanggang 305 km/h. Ang kapalit ni Yutu ay ang pangalan na Yinxing pakatapos na pag-landfall sa Guam bilang isang Category 5. [1][2]

  1. https://news.abs-cbn.com/news/10/27/18/typhoon-yutu-barrels-toward-north-luzon
  2. https://www.news.com.au/world/pacific/super-typhoon-yutu-devastates-us-pacific-territory-of-the-northern-mariana-islands/news-story/ff4e455bb6b1d487596c715487a329a4

© MMXXIII Rich X Search. We shall prevail. All rights reserved. Rich X Search